Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Manaoag Police Station, sa pamumuno ni PMAJ Peter Paul V. Sison, Chief of Police ang top 2 Municipal Most Wanted at Top 8 Provincial Most Wanted Person sa bayan ng Manaoag.

Isinagawa ang pagkakaaresto sa bisa ng Alias Warrant of Arrest sa suspek sa Barangay Babasit sa nasabing bayan.

Kinilala ito bilang residente ng Barangay Poblacion kung saan naaresto ito habang naglilinis ng puntod sa Manaoag Public Cemetery.

--Ads--

Nahuli ito dah sa sa kasong Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A (2) ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 5 (b) ng Republic Act No. 7610 na may bail bond na Php 200,000.00.

Matapos ang pagdakip, dinala ang suspek sa Manaoag Community Hospital para sa physical at medical examination at kasalukuyang nasa kustodiya ng Manaoag Municipal Police Station.

Samantala patuloy naman ang mga tauhan ng pulisya sa bayan ng kanilang dedikasyon at pagsisikap na mahuli ang mga wanted person, na nagpapakita ng kanilang buong pusong paglilingkod sa komunidad ng Manaoag.