DAGUPAN CITY- Walang ‘valid reason’ ang senado upang ipagpaliban ang pag-convene sa Impeachment court sa oras na matanggap ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, tinugunan na ng Kamara ang 1st phase ng impeachment proceedings kaya naman ay nararapat na tumugon din ang senado.
Aniya, nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas ang agarang pagsunod ng mga senador at hindi na ito dapat pagbotohan pa.
Kaniya naman nakikita na kakayanin nang ipagpatuloy ang paglilitis sa loob ng isa hanggang dalawang linggo dahil sa naunang preparasyon ni dating Senate Pres. Tito Sotto III.
Samantala, magtatapos na ang hurisdiksyon sa impeachment case kapag inunahan na ito ng bise presidente ng resignation.
Subalit, para kay Yusingco, mahalagang mailatag ang mga ebidensya at argumento upang mapatunayang ‘unfit’ para sa government office ang bise presidente.
Mas makatutulong pa kay VP Sara ang pagtuloy ng paglilitis upang matuldukan na ang mga kinakaharap nitong issue.










