Natanggap na ng Senado ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte gabi ngayong Miyerkules, Mayo 13.
Kinumpirma rin ni House Secretary General Cheloy Garafil na natanggap ni Senate Secretary Dong Mendoza ang articles of impeachment.
Dumating ang mga dokumento sakay ng convoy mula sa House of Representatives. Tinanggap ito ng Senado pasado alas-7:00 ng gabi sa kabila ng nagpapatuloy na tensiyon sa loob ng Mataas na Kapulungan.
Matatandaan, noong araw ng Lunes, Mayo 11, nang inimpeach ng House Committee on Justice si VP Sara sa botong 257 na pumabor, 25 ang kumontra at 9 ang nag-abstain.
Matapos na tuluyang ma-transmit ang impeachment articles sa Senado, nakatakdang tumayo bilang impeachment court ang kapulungan para sa paglilitis.
Nauna nang tiniyak ni Senate President Alan Peter Cayetnao na “forthwith” o agad-agad na magco-convene ang kapulungan sa oras na matanggap ang articles of impeachment.










