Hiniling ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa Senate Committee on Ethics and Privileges na ibasura ang ethics complaint na inihain laban sa kaniya kaugnay ng matagal na hindi pagdalo sa mga tungkulin bilang senador.

Sa tugon ng kaniyang kampo, iginiit ni Dela Rosa na hindi sapat ang mga affidavit ng mga nagreklamo upang patunayang nilabag niya ang alinmang umiiral na patakaran ng Senado.

Kinuwestiyon din ng senador ang paggamit ng mga tuntunin ng Civil Service tungkol sa habitual absenteeism, dahil hindi umano saklaw ng mga ito ang mga miyembro ng Kongreso.

--Ads--

Ipinaliwanag din ni Dela Rosa na hindi siya personal na nakadadalo sa mga sesyon ng Senado dahil sa banta ng pag-aresto kaugnay ng kaniyang usapin sa International Criminal Court o ICC.

Binigyang-diin niyang nakabinbin pa sa Korte Suprema ang usapin hinggil sa pagpapatupad ng arrest warrant laban sa kaniya.