Dagupan City – Kinumpirma ng Provincial Health Office sa lalawigan ng tarlac na mayroon na silang naitalang unang kaso ng Monkeypox (MPOx) sa kanilang nasasakupan.
Kasalukuyan na silang nagsasagawa ng contact tracing upang matukoy ang mga taong nakasalamuha ng pasyente at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa lokal na pamahalaan upang masiguro ang maayos na pagtugon sa sitwasyon.
Hinimok naman ang publiko na sundin ang mga minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng MPOx.
Kabilang dito ang palagiang paghuhugas ng kamay, Social distancing, Pagsusuot ng face mask, Pag-iwas sa direct contact, agarang pagpapakonsulta sa health center kung may nararamdaman na sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, at pantal sa balat.q
Sinabi naman ng DOH na ang kalusugan ng publiko ang kanilang prayoridad at nanawagan sila sa lahat na makipagtulungan upang mapigilan ang pagkalat nito.
Patuloy naman ang monitoring ng opisina sa sitwasyon at maglalabas ng karagdagang impormasyon kung kinakailangan.