Pinangunahan ni Pope Leo ang pagdiriwang ng Easter Vigil sa loob ng St. Peter’s Basilica bilang bahagi ng paggunita sa muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ng Santo Papa na ang Pasko ng Pagkabuhay ay “nag-aalis ng galit, nagpapalaganap ng pagkakasundo, at nagpapabagsak sa makapangyarihan.”

Ayon pa kay Pope Leo, ang kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos ay higit na malakas kaysa sa anumang puwersa ng kasamaan.

--Ads--

Sinabi ng Santo Papa, maaaring kitilin ng sangkatauhan ang katawan, ngunit ang buhay na nagmumula sa Diyos ng pag-ibig ay walang hanggan isang buhay na higit sa kamatayan at hindi kayang ikulong ng anumang libingan.

Binigyang-diin din ng Santo Papa na ang mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay ay paalala ng tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan at ng pag-asa laban sa kawalan ng pag-asa, na dapat isabuhay ng bawat mananampalataya sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

“The power of God’s love,” Pope Leo said, is “stronger than any force of evil … Humanity can kill the body, but the life of the God of love is eternal life, which transcends death and which no tomb can imprison,” mensahe ni Pope Leo XIV.