DAGUPAN CITY- Aware din umano si Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil sa ilang mga report na kinauugnayan umano ng lalawigan ng Pangasinan sa iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators.

Gayunpaman, binigyan diin ni Bataoil sa congressional hearing na batay sa listahan ng mga nauugnay na munisipalidad sa POGO, ang kanilang bayan ang may pinakakamababang may kaugnayan sa POGO.

Matatandaan na kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nationa Address na hindi na nito hahayaan pa ang iligal na aktibidad na umiiral sa POGO.

--Ads--

Kaugnay nito, nagbigay ito ng kautusan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation na sawatain ang mga ito hanggang sa katapusan ng taong 2024.