DAGUPAN CITY- Umabot sa 41 indibidwal ang naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa loob lamang ng isang linggo mula March 2 hanggang 8 ngayong taon.

Iba’t ibang uri ng operasyon ang isinagawa ng kapulisan sa buong probinsya, kabilang na ang kampanya laban sa iligal na droga, pag-aresto sa mga most wanted persons, iba pang wanted persons, at loose firearms.

Sa kampanya kontra iligal na droga, walong indibidwal ang naaresto sa walong magkakahiwalay na drug buy-bust operations.

--Ads--

Nakumpiska sa mga operasyong ito ang tinatayang 1.50 gramo ng shabu na may halagang P10,200.

Tatlong most wanted persons at 30 iba pang wanted persons ang naaresto rin sa linggo ding iyon.

Samantala, sa kampanya laban sa loose firearms, isang indibidwal ang naaresto sa dalawang operasyon, habang isang baril ang nakumpiska.

Dahil dito, patuloy ang kanilang ginagawang mga pagsisikap upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa Pangasinan at maprotektahan ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang krimen.