Dagupan City – Tila nakikitaan ng isang feng shui interpreter na hindi mangingibabaw ang pagkakaisa at pagkakaintindihan sa 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kim Teh, Feng Shui Interpreter, ito’y dahil sa ang 2025 ay year of the snake, kung saan ito ay nasa gitna at nasa ika-6 na bilang pa.

Aniya, magkakaroon ng hindi magandang pangitain sa mga susunod na araw dahil sa hindi pagkakasuduan ng impluwensya gano’n na rin sa religious group.

--Ads--

Paliwanag niya, kahit gaano pa katalino ang kaisipan ng isang tao, walang papantay sa kaalaman ng nasa kalangitan.

Binigyang diin naman nito ang pag-ikot ng mundo na siyang sumisimbolo sa bawa’t araw kung kaya’t huwag aniyang mananatili sa kung ano ang nangyayari sa ngayon.

Dagdag pa niya, ang pagpili sa paggawa ng tama at kawang-gawa na siyang may kaakibat na kapalit na biyaya.