Mga kabombo! kaya mo bang tumanggap ng bayad kapalit ng iyung asawa?
Tila pinainit kasi ng 33-anyos na mister sa China ang kaniyang trato sa kaniyang misis.
Kinilala ang lalaki na si Lu, kung saan nahuli niya mismo ang kanyang misis na may kasiping na ibang lalaki sa kama?
Ayon sa ulat, nag-ugat ang kasong pagkakabilanggo kay Lu, dahil sa diumano ay pamba-blackmail sa kasiping ng kanyang misis.
Sa galit ni Lu, kinunan niya ng video ang kanyang misis habang nakikipagtalik sa lalaking kinatagpo sa motel room.
Dito na rin umamin ang lalaking nakilala sa surname na Liu na may relasyon nga ito sa misis niya.
Agad namang nag-alok si Liu na i-settle na lang nila ni Lu ang problema. At dito na binayaran ang mister ng 25,000-yuan o katumbas ng higit P203,000.
Ipinadala ni Liu ang pera kay Lu sa pamamagitan ng tatlong online money transfers. Makalipas ang isang buwan, habang inaasikaso ni Lu ang divorce nila ng kanyang misis, nalaman niyang isinuplong siya ni Liu sa mga pulis.
Inakusahan si Lu ni Liu ng blackmail. Sa tingin ng mister, ang kanyang misis ang nag-udyok kay Liu na idemanda siya nito para sa kaniya ang pagkuha sa anak nila.
Taong 2021, sinentensiyahan ang mister ng anim na buwang pagkakabilanggo ng district court dahil sa extortion.
Ngunit sa kabila nito ay hindi naman ito nawalan ng pag-asa, hanggang ngayong 2024, bumaliktad ang kaso at pumanig sa mister.