Dagupan City – Ipinahayag ni Aaron Jeffrey B. Montenegro, President at CEO ng JDN Realty Group, ang hangaring maipagpatuloy at mapalawak pa ang pakikipagpartner ng kanilang pamunuan sa Commission on Elections Dagupan kaugnay ng voter registration at iba pang kaugnay na aktibidad.
Ayon kay Montenegro, nagsisilbing panimula ang kasalukuyang satellite voter registration sa Nepomall para sa mas pangmatagalang ugnayan sa pagitan ng mall at COMELEC. Layunin ng pamunuan na patuloy na ialok ang kanilang pasilidad bilang venue ng mga susunod pang registration campaign upang mas maging accessible ang serbisyo sa mga botante.
Umaasa ang JDN Realty Group na sa tamang panahon ay maisakatuparan ang mga planong ito bilang bahagi ng kanilang patuloy na commitment sa komunidad at sa pagsusulong ng mas inklusibong proseso ng halalan sa Dagupan.










