DAGUPAN CITY- ‎Nagpaalala ang Pangasinan Confederation of Irrigators Associations (PCIA) sa mga magsasaka na agad magparehistro sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang matiyak ang kanilang proteksyon laban sa mga sakuna at kalamidad na maaaring makaapekto sa kanilang mga pananim.

Ayon kay Juanito Lim Español, Pangulo ng PCIA, mahalaga ang pagkakaroon ng crop insurance upang matulungan ang mga magsasaka sa oras ng pangangailangan.

Ang PCIC ay isang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng insurance protection sa mga magsasaka laban sa mga pagkalugi dulot ng natural na kalamidad, na maaari ng ika danyos ng mga pananim na palay.

--Ads--

Sa ilalim ng Executive Order No. 60 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang PCIC ay muling inilagay sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) upang mas mapalakas ang kanilang serbisyo at mas maging responsive sa pangangailangan ng mga maliliit na magsasaka at mangingisda.

Ang mga magsasakang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay maaaring makakuha ng 100% premium subsidy mula sa gobyerno, kaya’t mahalaga ang kanilang pagpaparehistro sa nasabing sistema.