Aasahan muli ng mga motorista ang ikalawang linggo ng pagtaas sa presyo sa produktong petrolyo.

Sa magkahiwalay na abiso, ang Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. ay magkakaroon ng pagtaas sa gasolina ng P0.70 kada litro, P0.40 naman sa kada litro ng diesel, habang sa Kerosene naman ay mayroong pagtaas ng P0.20 kada litro.

Parehong pagbabago rin ang ipapatupad ng Cleanfuel at Ptero Gazz, maliban lamang sa kerosene na hindi nila dala.

--Ads--

Magkakabisa naman ang nasabing price hike bukas ng alas-6 ng umaga bukas ng martes habang ang Cleanfuel naman ay nakatakdang magpatupad ng Alas 4:01 ng hapon.