Dagupan City – ‎Isinagawa ang Job Fair 2026 sa Dagupan City People’s Astrodome kung saan nagtipon ang mga employer at job seeker mula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng oportunidad sa trabaho ang mga residente at mapalakas ang lokal na labor market sa pamamagitan ng direktang pag-uugnay ng mga kumpanya at aplikante.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, kalahok sa job fair ang iba’t ibang pribadong kumpanya at kanilang human resource teams na nag-alok ng bakanteng posisyon para sa kwalipikadong aplikante.

Inaasahang makatutulong ang aktibidad upang mapunan ang mga bakanteng trabaho at mabigyan ng agarang pagkakataon ang mga naghahanap ng hanapbuhay.

‎Nakiisa rin sa aktibidad ang Public Employment Service Office Dagupan na nanguna sa koordinasyon ng mga employer at aplikante.

--Ads--

Bahagi ito ng tuloy-tuloy na programa ng lungsod para sa employment facilitation at workforce development.

‎Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga residente na samantalahin ang mga kahalintulad na programa upang mapataas ang antas ng employment sa Dagupan at makatulong sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga pamilya sa komunidad.