Mga kabombo! Tila mala-teleserye ang lovestory ng isang magkasintahan sa Estados Unidos!
Paano ba naman aksi, napatunayan nila ang kantang “Love moves in mysterious ways”!
Ayon sa ulat, kinilala ang dalawa na sina Jenna at Mitchell Brotherson.
Kung saan matapos nilang maghiwalay, biglang naaksidente si Mitchell at nagkaroon ng amnesia, dahil dito, hindi niya naalala ang break nila ni Jenna.
Kung kaya’t ipinagpatuloy pa rin nito ang pakikipag-ugnayan sa ex-girlfriend na si Jenna at nagpasundo pa ito sa ospital dahil hindi ito makapag-drive dulot na rin kaniyang natamong pinsala at karamdaman.
Sa mga sumunod daw na araw ay naging constant ang pagmi-message sa kanya ni Mitchell at lagi siyang niyayayang lumabas.
Pero sa panahon daw na iyon, nakita ni Jenna ang kabaitan at pagiging thoughtful ni Mitchell. Dumating ang spring break at umuwi muna sila sa kani-kanilang pamilya. Naramdaman daw ni Jenna na hinahanap-hanap niya si Mitchell kung kaya’t nagdesisyon siyang makipagbalikan kay Mitchell.
Hanggang sa taong 2020, nag-propose si Mitchell sa Big Cottonwood Canyon, Salt Lake City at tuluyan nang nagpakasal ang dalawa.
Sa kasalukuyan, may anak na rin ang mga ito at nasa 4 na taon nang magkasama, tuwing binabalikan naman anila ang pangyayari ay natatawa na lamang sila sa kanilang pinagdaanan.