Dagupan City – Nanawagan ang Ban Toxics na i-review ang Ecological Solid Waste Management Act.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, Campaigner ng Ban Toxics, sinabi nito na matagal na umano ang batas na ito sa ilalim ng ika-24 anibersaryo ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Kung saan layong pangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng tamang pangangasiwa ng basura—mula sa pagbawas, segregasyon, koleksyon, hanggang sa tamang pagtatapon.

--Ads--

Gayunpaman, aminado naman ang grupo na nananatiling mababa ang epekto ng batas at sa katunayan ay halos dalawang dekada na ang lumipas.

Aniya, panahon na para ma-review ang panukala dahil mukhang hindi naman tumatalima ang publiko rito.

Kaya’t kinakailangan na aniya na pag-usapan ito katuwang ang mga stakeholders at mga LGU’s o Local Government Units.

Isa naman sa nakikita nilang problema ng bansa ay ang kamalayan ng publiko sa usapin at ang patuloy na maramihang produksyon ng plastics.

Aniya, kung kaunti kasi ang produksyon, ay hindi rin lalaki ang volume ng basura. Sa kabila naman nito, hangga’t maari aniya ay gumamit ang mga mamamayan ng mga alternatibong materyales at gumamit ng natural materials/ eco-friendly materials.