Mga kabombo! Kung ang ibang unibersidad ay kayang mag-offer ng discounts para doon mag-enroll ang mga studyante!

Aba! ano na lang kaya ang mararamdaman mo kung tanggihan ka ng nais mong unibersidad?

Ganito kasi ang nangyari sa 19-anyos na estudyanteng may pambihirang talino.

--Ads--

Ayon sa ulat, hindi lang kasi isa, kundi 16 na unibersidad ang nag-reject sa kaniya.

Kinilala ang lalaki na si Stanley Zhong, mula Palo Alto, California, na may napakataas na grado. Aabot sa 4.42 GPA at nakakuha ng halos perpektong 1590 sa SAT, isang bagay na natatamo lamang ng halos 2,000 sa mahigit dalawang milyong kumuha ng pagsusulit kada taon.

Dahil sa angking talino, inalok na siya ng trabaho ng Google bilang isang software engineer, isang posisyong karaniwang nangangailangan ng doctorate degree!

Ngunit sa kabila ng kanyang kahanga-hangang academic record, isa-isang bumagsak ang kanyang mga aplikasyon nang magsimulang lumabas ang college admission results noong 2023 matapos tanggihan siya ng mga kilalang unibersidad.

Ayon sa kanyang ama na si Nan Zhong, malinaw na diskriminasyon ang dahilan ng mga rejections na ito.

Dahil dito, nagsampa sila ng kaso laban sa mga naturang unibersidad na sinasabing may hindi patas na patakaran pagdating sa pagtanggap ng Asian-American applicants.

Sa kabila ng kontrobersiya, tinanggap ni Stanley ang alok ng Google at kasalukuyang nagtatrabaho bilang full-time software engineer mula Oktubre. Unang napansin ng kompanya ang kanyang talento sa coding noong siya ay 13-anyos pa lamang, kung saan inakala nilang siya ay isang adult dahil sa kanyang advanced skills.