Dagupan City – Patuloy na nararamdaman ang pagtaas ng presyo ng cooking gas sa unang bahagi ng Abril, na nakaapekto sa maliliit na negosyo at mga kabahayan.
Umabot na sa humigit-kumulang P1,500 hanggang P1,600 ang presyo ng isang 11-kilogram LPG tank matapos ang pagtaas na nasa P20 kada kilo o P220 kada tangke.
Sa loob lamang ng halos dalawang linggo, aabot na sa P500 ang itinaas ng presyo.
Iniulat din ng ilang retailer ang kakulangan ng suplay ng ilang brand ng LPG, na lalo pang nagpapahirap sa sitwasyon.
Dahil dito, napilitan ang ilang karinderya sa Pangasinan na mag-adjust, kabilang ang paggamit ng uling upang makatipid.
Gayunman, nagkakaroon na rin ng kakulangan sa uling, na nagdulot ng pagtaas ng presyo nito mula P300 hanggang P400 kada sako.
Bagama’t nakatulong ang ilan sa mga pagkaing niluluto, nananatiling nagtitipid ang mga mamimili sa gitna ng patuloy na pagtaas ng ibang bilihin.










