DAGUPAN CITY- Pumalo na sa hindi bababa sa 30 katao ang nasawi sa Japan dahil sa record-breaking snow fall sa bansa makalipas ang 40 taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondet sa nasabing bansa, karamihan sa mga naitalang nasawi ay sa may bahagi ng Niigata, kilala sa mga skii resort, kung saan 12 ang naitalang nasawi sa loob ng 2 linggo.
Aniya, karamihan din sa mga naitatala ay nasawi matapos madulas sa kanilang bubongan habang nililinis ang mga naipon na snow upang hindi makapaminsala sa kanilang tirahan.
Ani Galvez, umaabot na sa 1.83 meters ang taas ng snow, sapat para matabunan ang isang tao.
Bukod sa mga lokal, naitala rin nasaiw ang isang babaeng Canadian matapos itong maiwan sa ski lift sa isang resot sa Niigata.
Maliban pa sa mga nasawi, apektado rin ang higit 7,000 mananakay sa Sapporto dahil sa pagkaantaal ng ilang mga pampublikong sakayan.
Samantala, magsisimula na ang spring season sa Japan ngayon araw subalit, dahil sa nararanasang lagay ng panahon ay inaasahan pa ang pagbuhos ng snow hanggang sa araw ng sabado.










