Nagsagawa ng School Safety Drill ang mga tauhan ng Binmaley Municipal Police Station sa Baybay Elementary School upang mapalakas ang kahandaan ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan sa pagtugon sa iba’t ibang emergency situation.
Pinangasiwaan ang aktibidad sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLTCOL Lister A. Saygo, Chief of Police ng Binmaley MPS.
Layunin ng pagsasanay na mapataas ang kamalayan ng mga kalahok hinggil sa kahalagahan ng pagiging alerto at pagsunod sa mga wastong hakbang sa oras ng emerhensiya.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang aktibong pakikiisa at pagtutulungan ng mga mag-aaral, guro at kawani upang mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, muling pinagtibay ng Binmaley MPS ang kanilang dedikasyon sa pangangalaga sa kabataan at pagsusulong ng kaligtasan at seguridad ng komunidad, partikular sa mga paaralan.










