Matagumpay na nakapagtapos ang 245 kalahok mula sa iba’t ibang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa isinagawang libreng Safety Officer at First Aid Training sa bayan ng San Quintin.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng San Quintin at ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng kanilang Technical and Advisory Visit (TAV) program.

Pangunahing layunin ng pagsasanay na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga lokal na negosyante at manggagawa pagdating sa kaligtasan sa lugar ng trabaho (workplace safety), gayundin ang pagpapalakas sa kanilang kahandaan sa wasto at agarang pagtugon sa oras ng emergency.

--Ads--

Inaasahang makatutulong ang inisyatibong ito upang masiguro ang mas ligtas at produktibong kapaligiran sa mga negosyo sa buong bayan ng San Quintin.