Nagtala ng kasaysayan si Minnesota Lieutenant Governor Peggy Flanagan matapos manalo sa halalan para sa puwesto sa Senado ng Estados Unidos, bilang kauna-unahang Indigenous woman na nahalal sa naturang posisyon.
Tinalo ni Flanagan, ang Republican candidate na si Michele Tafoya sa Minnesota Senate race.
Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Flanagan sa mga mamamayan ng Minnesota sa kanilang suporta at tiwala.
--Ads--
“The people of Minnesota powered us to victory and made our mission clear. You fought for me. Now, it’s my turn to fight for you,” pahayag ni Flanagan.










