Mahigpit na babantayan ang 60 years na Dumpsita sa lungsod ng Dagupan, para matiyak ang progreso ng rehabilitasyon nito at maplano ang posibleng paggamit sa lugar.
‎
‎Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng nonstop monitoring na matutukan ang bawat yugto ng pagsasaayos ng pasilidad hanggang sa tuluyang ma-rehabilitate.
‎
‎Sa ikalawang bahagi ng paghahanda, katuwang sa proyekto ang City Engineering Office sa pangunguna ni City Engineer Josephine Corpuz, katuwang si Tirso Capito at ang Waste Management Division.
‎
‎Saklaw ng kanilang pagtutulungan ang regular na inspeksyon, pagtatasa sa kondisyon ng lupa at pagtiyak na nasusunod ang mga itinakdang panuntunan para sa rehabilitasyon.
‎
‎Tiniyak ng pamahalaang lokal na magpapatuloy ang koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan upang mapabilis ang proseso at matiyak na magiging ligtas at kapaki-pakinabang ang dating dumpsite para sa komunidad.