Umabot na sa mahigit 6,000 ang kasalukuyang bilang ng mga bagong rehistradong botante sa Region 1 sumula nang buksan ng Commission on Elections (COMELEC) Region 1 ang vote registration noong Nobyembre 10, 2026.

Ayon kay Atty, Reddy C. Balarbar, Regional Director ng COMELEC Region 1, dapat umanong samantalahin ng publiko ang pagpaparehistro kasabay ng ilan pang alituntuning maaaring idulog sa tanggapan tulad ng pag-update ng voter records kabilang ang pagpapalit ng larawan o pirma ng mga naturang botante.

Kaugnayn nito, ibinahagi ni Balarbar na bukas ang kanilang mga tanggapan mula Martes hanggang Sabado at maaari ring dumulog sa mga nakatakdang satelite registration sa mga barangay at pinayuhan niya ring magdala lamang ang mga nais magparehistro ng valid government-issued ID.

--Ads--

Binigyang-diin naman ni Balarbar ang apat na lugar sa rehiyon na kasalukuyang saklaw ng Register Anywhere, Anytime Program (RAAP) na kinabibilangan ng Lingayen, San Fernando, Vigan at Laoag.

Samantala, nakatakdang magpapatuloy ang naturang voter registration hanggang Hulyo 30, 2027.