Mariing itinanggi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakakapuslit sa Quezon City Jail-Male Dormitory si dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni BJMP spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera, na base sa kuha ng Close Circuit Television (CCTV) ay nasa loob pa rin ng pasilidad si Romualdez nitong Nobyembre 4.

Wala din aniyang naganap ng anumang power interruption na maaring makahadlang sa operasyon ng CCTV.

--Ads--

Sinuri mabuti ng BJMP ang CCTV at ito ay operational at walang naitalang anumang hindi nairecord na paggalaw.

Kasagutan ito ng BJMP sa lumabas na usapin na nakakalabas ang mambabatas sa pamamagitan ng pagdaan sa likurang hagdan ng pasilidad at ang mga CCTV doon ay pinapatay para hindi makuha ang kaniyang paggalaw.

Paglilinaw ni Bustinera na walang anumang daan sa likod ng pasilidad dahil iisa lamang ang gate at ito ay nasa harap lamang.

Ipinag-utos na rin ni JDIR Efren Nemeño, ang hepe ng BJMP ng malalimang imbestigasyon ukol sa nasabing alegasyon na nitong Nobyembre 3 ay nakalabas umano sa pasilidad si Romualdez.