Nagkasundo na ang Estados Unidos at Iran na wakasan ang kanilang digmaan, ayon sa pahayag ni Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif nitong Lunes.
Ayon kay Sharif, magkakaroon ng opisyal na signing ceremony sa Switzerland sa Biyernes para sa naturang kasunduan.
Kinumpirma rin ito ni US President Donald Trump sa kanyang social media, kung saan sinabi niyang kumpleto na ang kasunduan sa Islamic Republic of Iran.
Nabuo ang kasunduan sa kabila ng airstrike ng Israel sa Lebanon noong Linggo, na umani ng matinding batikos mula sa Iran at maging kay Trump.
Hindi pa inilalabas ang kumpletong detalye ng kasunduan, ngunit ayon kay Sharif, kabilang dito ang agarang at permanenteng pagtigil ng lahat ng operasyong militar, kabilang ang sa Lebanon.
Batay sa mga naunang ulat, inaasahang muling bubuksan ang Strait of Hormuz, tatapusin ang blockade ng Estados Unidos sa mga pantalan ng Iran, at palalawigin ang ceasefire habang ipagpapatuloy ang pag-uusap tungkol sa nuclear program ng Iran sa loob ng 60 araw.
Ayon naman kay Trump, magiging bukas ang Strait of Hormuz nang walang bayad at matatapos na rin ang naval blockade ng Amerika.
Dagdag pa niya, maaari nang muling dumaloy ang suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.










