Gagawing mas simple ngunit makabuluhan ang pagdiriwang ng Puto Festival 2026 sa bayan ng Calasiao, Pangasinan, sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga aktibidad ngayong taon.

Ayon kay Calasiao Mayor Patrick Agustin Caramat, napagkasunduan nila ng mga konsehal at department head na iwasan muna ang magarbong pagdiriwang dahil sa iba’t ibang krisis na kinakaharap ng bansa, kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis, ilang linggong pagbaha at ang inaasahang epekto ng El Niño.

Sa kabila nito, tiniyak ng alkalde na magiging masaya pa rin ang pagdiriwang ng Pasko sa bayan. Naghanda ang lokal na pamahalaan ng Christmas Village na magsisilbing pasyalan at atraksyon para sa mga residente at bisitang dadayo sa Calasiao.

--Ads--

Nakatakdang buksan ang Christmas Village sa Nobyembre 30, kung saan inaan yayahan ang publiko na makiisa sa pagbubukas ng Christmas season sa bayan.