Nagsampa ng kaso ang tatlong hukom ng International Criminal Court (ICC) laban sa administrasyong Trump matapos silang patawan ng sanctions noong nakaraang taon kaugnay ng kanilang mga desisyon sa mga imbestigasyon ng ICC.

Ayon sa mga hukom na sina Kimberly Prost, Solomy Balungi Bossa, at Reine Alapini-Gansou, ginamit umano ang sanctions upang pilitin at parusahan sila dahil sa kanilang mga naging desisyon bilang mga hukom.

Iginiit nila na labag sa batas ang mga ipinataw na parusa at nagdulot ito ng matinding epekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay, kabilang ang paggamit ng mga serbisyo sa bangko, credit cards, online platforms, at iba pang transaksiyong pinansyal.

--Ads--

Nauna nang nagpatupad ng sanctions ang administrasyong Trump matapos maglabas ang ICC ng arrest warrant laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at kaugnay ng mga imbestigasyon sa umano’y war crimes sa Afghanistan.

Ang hakbang na ito ng mga hukom ay nakikitang mahalagang tugon sa pagtatanggol ng kanilang integridad at kalayaan sa paggawa ng desisyon sa ilalim ng pandaigdigang batas.

Patuloy namang binabantayan ng mga international observers ang magiging epekto ng kasong ito sa relasyon ng Estados Unidos at ICC.