Dagupan City – Sinimulan na sa bayan ng Manaoag ang tatlong‑araw na Regional Validation para sa katayuang Zero Open Defecation (ZOD).

Saklaw ng pagsusuri ang lahat ng 26 na barangay ng nasabing bayan.

Layunin nitong matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng sanitasyon at tuluyang pagkawala ng kaugalian ng pagdumi sa mga bukas na lugar o open area.

--Ads--

Mahalagang hakbang ang pagkamit at pagpapanatili ng katayuang ZOD sa bayan
upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko, maiwasan ang mga sakit na dulot ng maruming tubig, maisulong ang tamang kalinisan, at magkaroon ng mas maayos at malusog na kapaligiran para sa bawat mamamayan ng Manaoag.

Ipinapakita rin ng inisyatibang ito ang matibay na pangako ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang kapakanan ng mga nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng serbisyo sa sanitasyon para sa kanilang nasasakupan.