Dagupan City – Inaasahang ihahandog na ngayong taon ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang livelihood Program para sa grupo ng mga tricycle drivers sa bayan na isang portable gasoline station.

Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr. na ito ang kauna-unahang na gasoline station buong pangasinan na hahawakan ng grupo ng tricycle driver upang matulungan ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan ng gasolina.

Naniniwala ito na mapapalago ng nasabing grupo ang ganitong negosyo dahil maari na nilang masuplayan o mabentahan ang kanilang kapwa tricycle driver o ilang motorista.

--Ads--

Malaki ang tiwala nito sa kanila dahil noong nagbigay aniya ito ng negosyo sa kanilang grupo na “bigasang bayan” ay mas napalago at napa-unlad nila ito.

Dahil dito, nabigyan muli ito ng inspirasyon na muling handogan ang grupo ng bagong negosyo na maari nilang pagkakitaan o kabuhayan na makakatulong pa lalo sa mga mamamayan ng Asingan at kanilang pamilya sa hinaharap.