DAGUPAN CITY- Isa sa mga dapat na tutukan ng pamahalaan ay ang paglikha ng trabaho sa bansa upang matugunan ang ilang mga pangangailangan sa labor industry.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagpan kay Josua Mata, Secretary General ng SENTRO, dapat na tutukan ng pamahalaan ang pagdadagdag ng ilang mga programang tututtok sa paglikha ng trabaho.

Aniya, normal lamang na bumaba ang emloyment rate sa bansa dahil sa mga seasonal job offers sa bansa, ngunit hindi normal ang nagiging dahilan na walang option ang mga Pilipino para makahanap ng tarabaho.

--Ads--

Dapat na ring mangialam ang pamahalaan hindi lang upang makita ang mga kakulangan ngunit gumawa ng kaakibat na solusyon sa pamamagaitan ng paglikha ng mga bagong trabaho.

Dagdag niya, kinakailangan ding magkaroon ng Idustrial policy ang bansa dahil makatutulong ito upang mapunan ang iang mga kakulangan at problema sa ibang mga laborers na kasongkot sa nasabing industriya.

Samantala, kailangn ding tutukan ang mga trabahong kailangang magkaroon ng mas maayos na pasahod