Mabilis na naubos kahapon Mayo 14 ang nasa 6,000 sako o 300,000 kilo ng bigas mula sa Benteng Bigas Meron Na Rice Project na nagkakahalaga ng ₱20 kada kilo matapos itong ilunsad noong Lunes, Mayo 11.

Inilaan at lubos na tinangkilik ang programa para sa mga sektor na lubos na nangangailangan kabilang ang mga senior citizen, solo parent, mga may kapansanan (PWD), mahihirap na pamilya, mga benepisyaryo ng 4Ps, mga magsasaka, mangingisda, mga drayber ng jeepney at tricycle.

Binigyang-diin ng mga residente na masarap at angkop sa pangangailangan ng mga pamilya ang bigas mula sa programa.

--Ads--

Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa paglunsad ng proyekto na nagdala ng abot-kaya na bigas para sa mga pamilyang mahihirap.

Malaki rin ang pasasalamat ng bawat indibidwal sa City Agriculture Office, City Disaster Risk Reduction Management Office, City Market Division, Public Order and Safety Office (POSO), City Mayor’s Office, at sa lahat ng empleyadong tumulong para tiyakin na maayos at organisado ang pagbebenta ng murang bigas.

Ang mga tauhan ay nagsikap para matiyak na makakarating ang bigas sa mga tamang benepisyaryo.

Samantala, Ipinapangako naman ng lokal na pamahalaan na marami pang susunod na benteng bigas project dahil sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mga residenteng nangangailangan.

Tinitiyak na ipagpapatuloy ang programa para patuloy na matulungan ang mga pamilyang nahihirapan sa pagbili ng bigas.