Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang hilagang bahagi ng Japan matapos nitong Biyernes ng gabi, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).

Naitala ang pagyanig bandang alas-8:22 ng gabi sa karagatang malapit sa hilagang Miyagi Prefecture.

Walang inilabas na tsunami warning at wala ring ulat ng pinsala matapos ang lindol.

--Ads--

Ang naturang pagyanig ay kasunod ng mas malakas na magnitude 7.7 na lindol na tumama rin sa parehong rehiyon noong Abril.

Nagbabala naman ang JMA na posible pa rin ang mas malalakas na pagyanig sa lugar, kahit na naalis na ang naunang earthquake advisory.

Samantala, iniulat ng state broadcaster na NHK na walang naitalang abnormalidad sa mga nuclear power plant sa Miyagi at sa kalapit na Fukushima Prefecture.

Dahil sa naranasang lindol pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng Shinkansen bullet trains, ayon sa East Japan Railway.

Matatagpuan ang Japan sa tinatawag na Pacific “Ring of Fire,” kaya’t madalas itong tamaan ng lindol.