Arestado ang isang 46-anyos na construction worker matapos itong dakpin ng mga tauhan ng Aguilar Police Station sa Brgy. Poblacion, Aguilar, Pangasinan noong Mayo 14, 2026.
Kinilala ng pulisya ang suspek bilang isang binata at residente ng Brgy. Baybay sa nasabing bayan.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Municipal Circuit Trial Court ng Aguilar-Bugallon kaugnay ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa ilalim ng Criminal Case No. A-3850 na may petsang Mayo 4, 2026.
May inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P6,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pag-aresto ay dinala ang suspek sa kustodiya ng Aguilar Police Station para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.










