Dagupan City – Kinakailangan nang magsumite ng seller’s ng mga Form 1901 na may trade name na nakarehistro sa Department of Trade and Industry (DTI), at personal information, para maisyuhan ng certificate of registration.
Ito ang kimupirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa sa pagpaparehistro ng online selling businesses kasama ang micro, small, medium, o large.
Ayon sa BIR, ang online sellers ay inaatasang mag-isyu umano ng invoice sa mga customer na ia-attach sa parcel of goods.
Lumalabas kasi umano na ang ginagamit ngayon ang invoice o ang official receipt (OR) ay inalis na sa pamamagitan ng isang polisiya sa “ease of paying taxed.”
Dahil dito, ayon sa isang abogado, ang mga pagkain na klinasipika bilang agricultural products, gayundin ang mga gamot, ay exempted sa VAT.
Kaugnay nito, nagsagawa na rin ng mapping ang BIR sa online sellers sa Western Visayas. At ang mga lalabag ay pagmumultahin naman ng P20,000.