Nagdagdag pa ang Miami Heat ng isang shooter, ilang lingo bago ang opisyal na pagsisimula ng 2026-2027 NBA Season.
Inalok ng Heat ng bagong contract ang bagitong guard na si Pelle Larsson na agad ding pinaburan ng kampo ng huli.
Ang naturang kontrata ay nagkakahalaga ng $60 million at magtatagal ng limang taon.
Kalakip ng naturang kontrata ang provision para sa ‘mutual option for the 2030-31 season’. Ibig sabihin, may option ang koponan at ang player na pumili o magdesisyon kung magsasama o maghihiwalay na ang mga ito sa naturang season.
Sa nakalipas na season, hawak ng bagitong guard ang average na 11.4 points, 3.5 rebounds, at 3.4 assists per game.
Nagagawa din niyang magpasok ng tres gamit ang 32.3% field goal, habang sa field ay napapanatili niya ang episyenteng 49.6%.
Inaasahang magiging malaking tulong si Larsson sa Miami sa susunod na season, kasabay ng pagpasok ng mga batikang player at mga NBA champion sa naturang koponan.
Kabilang dito sina Giannis Antetokounmpo at Klay Thompson na parehong may championship DNA, at sa pangunguna ng legendary coach na si Eric Spoelstra.










