May nakatakdang briefing ang Commission on Elections, o COMELEC-Dagupan, para sa mga naghahandang tumakbo sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre.


Gaganapin ang pre-candidacy orientation sa September 23 at 24, sa City Plaza, Dagupan City, simula alas-siyete y medya ng umaga.
Dito bibigyan ng COMELEC ng impormasyon ang mga SK aspirants tungkol sa mga dapat nilang malaman bago at pagkatapos ng halalan.


Makikibahagi rin sa briefing ang DILG, PNP, at BIR, na magbibigay ng mga paalala at impormasyon na may kaugnayan sa kanilang mga tungkulin sa proseso ng eleksyon.

--Ads--


Hahatiin sa dalawang araw ang orientation para sa mga SK aspirants mula sa iba’t ibang barangay ng Dagupan.


Sa September 23, kabilang ang mga barangay gaya ng Pugaro, Calmay, Lucao, Bonuan, Tambac, Bolosan, Mangin, at Tebeng.


Sa September 24, apat naman ang mga SK aspirants mula sa Pantal, Caranglaan, Mayombo, Bacayao, Lasip, Malued, Tapuac, Poblacion Oeste, Pogo, at iba pang barangay.


Nakatakda ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 2026.


Hinihikayat ng COMELEC-Dagupan ang mga SK aspirants na dumalo upang maging malinaw sa kanila ang mga kinakailangang proseso bago ang halalan.