Nagkaisa ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag sa isang makabuluhang tree planting activity na ginanap sa proposed extension ng Municipal Cemetery sa Barangay Pugaro.


Bahagi ang naturang aktibidad sa pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary, na isinagawa sa ilalim ng direktiba ni Mayor Jeremy Agerico B. Rosario, MD.


Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang nasabing programa sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang tanggapan ng munisipyo kabilang ang Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Municipal Health Office (MHO).

--Ads--


Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang pangangalaga sa kalikasan at itaguyod ang kolektibong responsibilidad ng komunidad para sa isang mas luntian at napapanatiling kapaligiran (sustainable community).


Binigyang-diin sa naturang programa ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno ngayon bilang pamana para sa susunod na henerasyon—na magsisilbing silong, kanlungan, at pag-asa ng mga mamamayan sa hinaharap.