Dagupan City – Nagsalita na si San Juan City Mayor Francis Zamora hinggil sa issue na inuugnay ang kanyang anak na si Amanda Zamora sa aktor na si Daniel Padilla.

Ito’y matapos na mabasa raw niya ang komento ng netizens at ipinararating din ng kanyang constituents ang tungkol dito.

Sa isang panayam, iginiit ng alkalde ang alegasyon.
Ang iniuugnay sa actor na anak ni Zamora ay nakilala bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Connect (2021) at isa ring Star Magic artist.

--Ads--

Si Daniel ay isa sa prime artists ng isang network at dating boyfriend ng aktres na si Kathryn Bernardo.
Kung saan, matatandaan na inanunsiyo nila ang kanilang breakup noong November 30, 2023 matapos ang 11 taong relasyon.

Kaugnay naman sa alegasyon na kumakala ang larawan ng anak at ng actor, sumang-ayon siya sa posibilidad na maaaring edited ang tinutukoy na larawan.

At sa katunayan ay matalik na kaibigan niya si Daniel at ang pamilya ng aktor.

Nilinaw rin nito na Business partners din sila ni Daniel sa isang bar sa Greenhills, ang District 8, kung saan kasosyo rin nila sina Vice Ganda, James Yap, at iba pa.