Dagupan City – Tumanggap ng mga tupa ang Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs mula sa iba’t ibang barangay sa Pangasinan bilang bahagi ng programang naglalayong mapalawak ang kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng livestock production.
Pinangunahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi ng kabuuang 320 tupa kamakailan sa ilalim ng Goat and Sheep Expansion Project o GSEP.
Layunin ng proyekto na mapataas ang kita ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng sustainable livestock enterprise.
Binigayang-diin ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III ang kahalagahan ng Asenso Natin Alagang Karnero o ANAK Program na nagbibigay oportunidad sa mga pamilyang magsasaka na magkaroon ng karagdagang mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pag-aalaga ng tupa.
Bukod sa pamamahagi ng mga hayop, tumatanggap din ang mga benepisyaryo ng pagsasanay, animal health services, at production support upang matiyak ang matagumpay na pagpapatakbo ng kanilang livestock enterprise.
Nagsagawa rin ng onsite monitoring ang mga opisyal ng DAR Pangasinan kasama ang Program Beneficiaries Development Division.
Nagkaloob din sila ng libreng deworming at vaccination services upang mapanatiling malusog ang mga alagang tupa ng mga benepisyaryo.










