Mga kabombo! Tila epic but not fail ang experience ng newly engaged couple!

Paano ba naman kasi, naisipan ng nobyong si Mark na magpropose sa kaniyang kasintahang si Jenny Rose sa ilalim ng dagat!

Ngunit ang kuwela sa underwater proposal ng couple mula sa Mabini, Batangas, nahulog umano nil Mark ang singsing sa excitement nang mag-“I do” sa kaniya ang kaniyang nobya. Ayon sa ulat, 2-years nang magkarelasyon si Mark at Jenny.

--Ads--

At dahil matagal nang pangarap ni Jenny maging mermaid, habang si Mark ay pangarap si Jenny, tinupad nang dalawa ang pangarap ng isa’t isa!

Matapos kasing sumisisid sa ilalim ng dagat, na inspired sa mermaid dreams ni Jenny Rose, napa-“I do” naman ito ni Mark.

Ayon sa nitizens, pinatunayan nga nilang they are “mer-maid” for each other.

Sa kasalukuyan, kasal na ang dalawa at ibinahagi ng mga ito ang kakaibang experience na puno ng pagmamahal.