Dagupan City – Naglunsad ang Integrated Bar of the Philippines Pangasinan Chapter ng libreng serbisyong legal sa pamamagitan ng Unified Free Legal Aid Service para sa mga walang kakayahang magbayad ng pribadong abogado.

Ayon kay Atty. Jefferson Faculanan, Presidente ng Integrated Bar of the Philippines, Pangasinan Chapter layunin ng programa na makapagbigay ng libreng legal consultation at assistance sa mga nangangailangan ng tulong ukol sa usaping legal.

Aniya, maaaring magtungo ang mga nais dumulog sa kanilang tanggapan sa Bonuan Tondaligan kung saan handang tumulong ang mga legal aide clerks sa ilalim ng “LODI” o Law of the Day Initiatives mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

--Ads--

Kung kinakailangan naman aniya ng legal representation, tutulungan din ang mga aplikante sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento.

Paliwanag naman ni Atty. Faculanan, pangunahing kwalipikasyon sa programa ang kawalan ng kakayahang pinansyal upang makapag-avail ng serbisyo ng pribadong abogado.

Kabilang sa mga pangunahing requirements ang Certificate of Indigency bilang patunay ng kakulangan sa pinansyal na kakayahan.

Sa katunayan, kahit kakalunsad pa lamang ng programa ay mayroon na agad silang natulungan sa iba’t ibang kaso tulad ng pang-aabuso o VAWC, alitan sa kamag-anak, problema sa lupa, at usaping may kinalaman sa trabaho.

📌 The available duty schedules shall officially begin on May 18, 2026.

Lawyer-members may render duty once a month for a three (3)-hour period under any of the following schedules:

Monday to Friday
8:00 AM – 11:00 AM
11:00 AM – 2:00 PM
2:00 PM – 5:00 PM