Sample blood collection tube with HIV test label on HIV infection screening test form.

Dagupan City – Tuwing ikatlong linggo ng Mayo ay idineklara bilang National AIDS Vaccine Awareness Day (NAVAC) sa Estados Unidos, ngunit sa Pilipinas, ang buwan ng Disyembre ay idineklara bilang AIDS Awareness Month.

Ayon kay sa inihayag ni Dr. Rhuel Bobis ang siyang medical Officer IV ng Department of Health region 1 na batay sa kanilang datos na simula noong 1984 hanggang sa kasalakuyuna na dito sa rehiyon uno ay mayroon ng 4, 108 na kaso ng HIV.

Noong January-hanggang Febrauary taong kasalukuyan ay nadagdagan ng 131 na bilang.

--Ads--

Ang AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) ay isang kondisyon na sanhi ng Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Ito ay isang advanced na yugto ng impeksyon sa HIV, kung saan ang immune system ng katawan ay lubhang napinsala at hindi na kayang labanan ang mga impeksyon at sakit.

Gayunpaman, ang mga aktibidad at kampanya para sa HIV awareness ay isinasagawa sa buong taon, hindi lamang sa ikatlong Linggo ng Mayo.

Ang mga organisasyon at ahensya ng gobyerno ay nagsasagawa ng mga programa at aktibidad upang taasan ang kamalayan ng publiko tungkol sa HIV/AIDS, tulad ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa pag-iwas, pagtuklas, at paggamot.