Dagupan City – Iginiit ni Dr. Glenn Soriano, US Doctor and Natural Medicine Advocate na ang Ischemic Heart Disease ay hindi namamana o dulot ng genetics.
Aniya, mas nakaaapekto sa pagkakaroon ng sakit ang mga salik na may kaugnayan sa pamumuhay. Kabilang dito ang hindi wastong pagkain, kakulangan sa ehersisyo, paninigarilyo, at labis na stress.
Ipinaliwanag niya na nagkakaroon ng ischemic heart disease kapag kumikipot o nababara ang mga ugat na nagsusuplay ng dugo at oxygen sa puso.
Dahil dito, nababawasan ang sapat na daloy ng dugo patungo sa kalamnan ng puso.
Dagdag pa nito na kabilang sa mga sintomas ng sakit ang pananakit o paninikip ng dibdib.
Maaari rin aniya nitong makaranas ng hirap sa paghinga at madaling pagkapagod ang isang pasyente.
Ang pagkahilo at hindi pangkaraniwang panghihina ay maaari ring maging senyales ng kondisyon.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maagang pagkilala sa mga sintomas upang maiwasan ang komplikasyon.
Hinikayat din niya ang publiko na mamuhay nang malusog upang mapanatiling maayos ang kalusugan ng puso.










