Tuluyan ng tinanggal ng House of Representatives si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga.

Sinabi ni ethics committee chairman JC Abalos , na naging hindi maganda ang ugali na ipinakita ni Barzaga sa kawa nito mambabatas.

Ilan sa mga paglabag nito ay kinabibilangan ng : Repeated interruption of plenary sessions; mockery of leadership na kinabibilangan noon ni dating House Speaker Martin Romualdez at Unauthorized at slanderous live broadcast noong isinasagawa ang budget plenary sessions.

--Ads--

Dagdag pa ni Abalos, na nakita nila na lumabag si Barzaga sa dapat na maging ugali bilang miyembro ng House of Representatives.

Bago ang nasabing botohan ay inaasahan na ni Barzaga na siya ay tuluyang tatanggalin bilang mambabatas.

Mayroong mahigit two-thirds o 265 na mga mambabatas ang pumabor sa House ethics committee findings sa Committee Report.

Magugunitang dalawang beses na sinuspendi ng 60 araw ang 27-anyos na si Barzaga dahil sa social media post nito na nag-aakusa ng iba’t-ibang krimen laban sa kapwa mambabatas at ilang mga mataas na opisyal ng gobyerno.