Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, posibleng maapektuhan hindi lamang ang Pangulo kundi pati ang taumbayan at ekonomiya dahil sa umiigting na tensyon sa Senado.

Itinanggi rin ng Malacañang ang pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na may kinalaman ang palasyo sa nangyayari sa Senado.

Kinuwestyon din ni Castro kung anong uri ng “independence” ang tinutukoy ni Cayetano.

--Ads--

Binigyang-linaw ni Castro na mahalaga ang maayos na pagtutulungan ng bawat sangay ng gobyerno upang maging epektibo ang pamamahala.

Giit niya, hindi maaaring umiral ang pagmamataas, hindi pagsunod sa batas, o anumang uri ng “paghahari-harian” dahil makakasira ito sa kooperasyon ng mga institusyon.

Ayon kay Castro, dapat manatiling patas ang lahat upang mapanatili ang maayos na ugnayan ng mga sangay ng pamahalaan at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.