Mga kabombo! kung ang iba soveignir ang kadalasang naiuuwi galing sa Zoo!

Aba paano kung makauwi ka mismo ng isang hayop ng hindi mo nalalaman?

Ganito kasi ang nangyari sa isang zoo sa Germany matapos na magtago sa jacket ng isang turista hanggang sa makasama na ito.

--Ads--

Ayon sa turistang kinilalang si Elina Öfele, namasyal siya at ang kanyang anak sa isang kuweba ng mga paniki sa Karlsruhe Zoo sa southwest Germany.

Hanggang sa pag-uwi nito sa bahay, tinanggal niya ang kanyang jacket at nalaglag mula rito ang isang paniki sa sahig.

Agad namang nakipag-ugnayan si Ofele sa isang animal expert at inilagay ang paniki sa isang kahon na may honey water at isang saging para may makain at maging komportable ito sa magdamag.

Kinabukasan din nang maiuwi ang paniki ay dinala ng kanyang asawa ito upang ibalik sa zoo.

Sinabi ng isang tagapagsalita ng zoo, naibalik na ang leaf-nosed bat sa kanyang tirahan at ito ay nasa mabuting kalagayan. At ito na ang kauna-unahang pagkakataon na nakatakas ang isang paniki mula sa zoo sa pamamagitan ng pagsama sa isang bisita.