DAGUPAN CITY- Nakaranas ng rotational brownout sa lalawigan ng Pangasinan kamakailan dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Randy Castilan, Chief Operating Officer ng DECORP, nangyari ito dahil umabot na sa 17 planta ang naka-out habang kulang na ang kakayanan ng natitirang planta para tugunan ang pangangailangan ng suplay ngayong tag-init.
Aniya, apektado nito ang suplay at transmission bagay na walang kontrol ang distribution utilities para sa naturang kawalan ng kuryente.
Dumedepende lamang din sila sa abiso mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Inaasahan pa ang mga susunod na pag-brownout dahil sa maaari pang magsagawa ng manual load trapping ang system operator dulot ng matinding demand at epekto ng tag-init.
Aniya, tuwing pagsapit ng gabi ang hamon sa suplay ng kuryente dahil hindi na aktibo ang mga solar pannel.
Kaugnay pa riyan, malaking tulong man ang pagkabit ng solar pannel, kinakailangan pa rin itong isangguni sa kanilang tanggapan para sa mas maayos na koneksyon.










