DAGUPAN CITY- Dumagsa ang hindi bababa sa 533 na mga nagparehistro sa huling araw ng voter registration noong araw ng lunes, May 18, sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento, Commission on Election Officer, Dagupan City, kung maaaprubahan na ang mga aplikasyon simula Abril hanggang kasalukuyang buwan ay maaaring pumalo sa higit 144,000 na pangunahing target ang bilang ng mga nagparehistro.

Aniya, umaabot sa 30% ng mga nagparehistro ay galing pa mula sa ibang bayan at nagpapalipat ng lugar kung saan ito rehistrado.

--Ads--

Samantala, dadaan muna sa Election Registration Board (ERB) hearing ang mga nalikom na aplikasyon bago ito maaprubahan.

Sa ilalim nito, posible pang ma-disqualify ang isang aplikasyon kapag hindi nito naabot ang mga kinakailangan.

Ang pagdinig ay isang administrative procedure at maaaring maghain ng petition for inclusion ang aplikanteng madi-disapprove.