Dagupan City – Nabangga ng isang pampasaherong bus ang isang Van sa bayan ng Binalonan, Pangasinan dahil sa nakatulog ang driver nito.

Ayon kay Pmaj Zainon Paiking, Chief of Police ng Binalonan Police Station nangyari ang insidente sa kahabaan ng Tarlac- Pangasinan La Union Expressway (TPLEX), sa Brgy. Linmansangan sa nasabing bayan kung saan ay kinasasangkutan ito ng isang Van na minamaneho ni Daniel Bentres Sangao, 29-anyos, residente ng Poblacion, La Trinidad, Benguet; at isang Pampasaherong Bus, na minamaneho naman ni Charles Castreras Raval, 48-anyos at residente ng Santor Malolos, Bulacan sakay nito ang 7 pasahero.

Ayon sa inisyal na imbistigasyon, parehong binabaybay ng dalawang sasakyan ang kalsada patungong hilaga at pagdating sa lugar ng insidente ay doon na nabangga ng bus ang Van mula sa likuran.

--Ads--

Dahil dito ay nagtamo ng pinsala ang driver ng Van at mga pasahero ng bus. Agad namang dinala ang mga ito sa Urdaneta District Hospital, at sa kasalukuyan handa namang mag bayad ang driver ng bus sa nagawang pinsala sa mga sangkot sa insidente.